Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbubukas ng proyektong Chicken Egg Production ng Mahayahay Farmers SLP Association mula sa Mahayahay, Digos City, Davao del Sur, noong Oktubre 15, 2024.

Ang nasabing asosasyon na may 30 miyembro ay nakatanggap ng Php 450,000 na kapital mula sa ahensya. Pinangunahan ang aktibidad ni SLP Provincial Coordinator ng Davao del Sur, Mr. Arman S. Liscano.

Bago nila natanggap ang kapital, dumaan ang mga miyembro sa samu’t saring capacity building training upang maihanda at mabigyan sila ng sapat na kaalaman sa pamamahala ng kanilang napiling proyekto.

Ang DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP) ay isang livelihood capability-building program ng DSWD para sa mahihirap, bulnerable, at marginalized na mga sambahayan at komunidad. Ito ay tumutulong upang mapabuti ang kanilang socio-economic na kondisyon sa pamamagitan ng pagbibigay access sa mga kinakailangang asset upang makamit ang sustainable at resilient na kabuhayan.