Idinaos noong ka 6 ng Hunyo taong 2023 sa pangalawang pagkakataon ang LILAS SA ONSE: A SHORT FILM FESTIVAL 2023 sa Cinematheque Centre, Davao City.
Layunin ng filmfest na ito na ibahagi sa madla ang karanasan at kabuhayan ng mga 4Ps benepisyaryo ng DSWD XI sa pamamagitan ng isang obra-pelikula. Pitong kalahok ang sumali sa patimpalak. Naging mga hurado naman nito sina Bagane Fiola, filmmaker, Atty. Racky Malaki III, filmmaker at Atty. Karen Santiago-Malaki, film festival director.
Naging matagumpay ang naging Film Screening na sinundan naman ng Awarding para sa mga nanalo. Nakuha ng Duwende Fims ang unang puwesto na may pamagat na “SUNDO”. Nasungkit naman ng Maze Visuals ang ikalawang puwesto na may pamagat na “INANG”. Nasa ikatlong puwesto naman ang Junior Social Welfare Association of the Philippines (JSWAP) ng Davao del Norte State Colleges (DNSC) na may pamagat na “BINHI”. Nabigyan naman ng pagkilala ang iilang miyembro ng mga participating filmmakers sa limang special awards:
Best in Acting Performance: Ehlza Jean A. Maning as Inang (Inang, Maze Films)
Best Director: Matthew Delda (Sundo, Duwende Films)
Best in Cinematography: Sundo, Duwende Films
Best in Screenplay: Inang, Maze Films
Best in Editing: Ginhawa, Likha D2 Films
Tunay na napuno ng paghanga, pagpapahalaga, at kagalakan sa pagbigay pugay sa larangan ng obra-pelikula. Muli, pagbati sa mga nanalo at nakilahok sa Lilas sa Onse: A Short Film Festival 2023.