Malugod naming binabati ang mga bagong pumasa sa katatapos lamang na Licensure Examination for Social Workers noong September 2024.

Iilan sa kanila ay ang mga benepisyaryo ng Cash-for-Work modality sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI na naglalayong magbigay ng pansamantalang trabaho para sa mga bagong nagsipagtapos sa kolehiyo mula sa mga State Universities and Colleges (SUCs).

Kami ay humahanga sa inyong dedikasyon at pagsusumikap at nawa’y magsilbi kayong halimbawa para sa lahat ng mga kabataang Pilipino.

#MagKALAHITayoPilipinas

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD