Marami ang mga nagbabakasakali at naghahangad na mapabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil bukod sa ito ay nagbibigay suporta sa karamihan, ito rin ay isa sa mga tulay ng mga kabataang nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral at matulungan ang pamilya laban sa kahirapan.

Si Joseren Caliguid, 46 na taong gulang mula sa probinsiya ng Davao de Oro ay isa sa mga naging benepisyaryo ng Pantawid mula 2019 hanggang ngayon. Base sa kaniyang karanasan, napakalaking tulong ng programa upang makapagtapos ng kolehiyo ang dalawa sa kaniyang pitong anak. Noong namatay ang kaniyang asawa noong 2020 dahil sa sakit, akala niya ay hihinto na rin ang kanilang buhay.

Pinanghinaan siya ng loob dahil alam niya sa sarili niya na wala siyay kakayahan buhayin ay pag-aralin ang mga anak na mag-isa. Ngunit dahil din sa mga anak niya na umaasa sa kaniyang suporta ay indi siya nagpadaig sa kaniyang naramdaman.

Ang tanging nag udyok sa kaniya na maging positibo sa kabila ng trahedya na nangyari sa kaniyang pamilya ay ang natatanggap na cash grants mula sa 4Ps. Labis na pag iimpok ang kaniyang ginagawa pagkatapos bayaran ang lahat ng pangangailangan ng mga anak sa pag-aaral. Naging mas positibo din ang pananaw sa buhay ni Joseren dahil sa mga Family Development Sessions na nagpalawak ng kaniyang kaalaman bilang isang benepisyaryo ng 4Ps.

“Sa sugod palang nga nakahibalo ako nga isa ko sa mga mapalad nga nakasulod sa Pantawid nga Programa, nahimong mas aktibo pa ako ug ang akong pamilya sa mga kalihokan sa among Barangay. Isip usa ka aktibo nga myembro sa Barangay Council of Women, ang akong mga nahibaloan sa organisasyon ako kining gipa ambit pinaagi sa Family Development Session panahon sa paghisgot sa mga nakutlo nga mga pagtulun-an  sa mga katungod sa mga kababaihan ug sa mga kabataan.”

(Simula noong nalaman ko na napabilang ako sa 4Ps, naging mas aktibo ako at ang aking pamilya sa mga aktibidad ng barangay. Naging miyembro din ako ng Barangay Council of Women at ang aking mga kaalaman sa mga organisasyon ay aking ibinabahagi sa pamamagitan ng mga FDS lalong lalo na ang usaping para sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan.)

Taong 2021, napabilang si Joseren sa mapalad na napili bilang benepisyaryo ng NK Pamana SLP 2nd tranche. Napagdesisyunan nilang ilaan ito sa Merchandise at ang isa ay sa Chicken Hog Raising dahil na rin sa kanilang kaalaman sa pagtitinda at pag aalaga ng mga manok.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 19 na aktibong miyembro ang kanilang asosasyon. Ngayon ay isa siyang storekeeper at  din siyang sumali sa training patungkol sa pag aalaga ng mga sisiw hanggang sa ito ay lumaki at mangitlog. Nang dahil sa pagiging isang benepisyaryo ng 4Ps, nadagdagan ang kaniyang kaalaman sa pagpapalago ng kanilang asosasyon sa pamamagitan ng pagiging maalam sa  financial literarcy, pagbabadyet, at pag iipon.

Ang kanilang asosasyon ay nakatulong sa mga benepisyaryo ng program dahil dito din sila nakakahiram ng mga pang-araw-araw a gastusin katulad ng bigas, de lata, at school supplies sa panahon ng krisis. Ngunit hindi lamang diyan nagtatapos ang kaniyang tungkulin bilang tagapamahala ng asosasyon, hindi niya rin kinakalimutang ipaalala sa mga kapwa benepisyaryo na lahat ng bagay ay may limitasyon.

Kagaya nga ng pangunahing layunin ng programang 4Ps, tutok ito sa edukasyon ng aking mga anak. Ang aking dalawang anak ay nakapagtapos ng kolehiyo, habang ang natitirang apat ay nagsusumikap mag-aral upang makagradweyt din. Ipinagmamalaki ko sila dahil sa determinasyon nilang makamit ang kanilang mga pangarap. Sa kasalukuyan ay ginagawa kong inspirasyon ang kwento ng pagbabago nga mga kapwa ko 4Ps, habang ako ay patuloy ding nagsisilbing inspirasyon upang bumangon at magpatuloy.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD