Pinalakas ng Department of Social Welfare and Development Field Office XI (DSWD XI) sa ilalim ng Social Marketing Unit (SMU) ang paglaban sa pagpapalaganap ng maling impormasyon o fake news sa Ahensya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kampanyang Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon (3TI) sa GSIS Matina, Davao City noong Marso 23, 2025.

Ang kampanya ay isinagawa kasabay ng payout para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program, kung saan direktang inanyayahan ang halos 240 na benepisyaryo upang i-follow ang opisyal na Facebook Page ng DSWD at bigyan sila ng mahalagang kaalaman at itaguyod ang kahalagahan ng pagtangkilik sa mga verified na mapagkukunan ng impormasyon.

Upang mapadali ito, ipinakita at hinikayat ang mga benepisyaryo na mag-scan ng mga QR code na magbibigay ng agarang access sa mga opisyal na pahina.

Ang pagsusumikap na ito ay nagbibigay sa mga benepisyaryo ng mga kagamitan upang matukoy ang tunay at beripikadong impormasyon mula sa maling impormasyon tungkol sa DSWD.

Para sa dagdag na kaalaman at impormasyon, maaring i-like o i-follow rin ang opisyal na Facebook page ng DSWD XI – Davao Region.