Opisyal na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ang pagpapasinaya at pagbubukas ng Hito Farming at Agri-Vet Supply Project ng Osmeña Agripreneurs SLP Association mula sa Barangay Osmeña, Sulop, Davao del Sur noong Marso 31, 2025.

Ang asosasyon, na binubuo ng 30 miyembro, ay tumanggap ng Php 600,000 na seed capital fund bilang tulong-kapital upang maisakatuparan ang kanilang proyektong pangkabuhayan na nakatuon sa aquaculture at agrikultura.

Bukod sa pinansyal na suporta, isinagawa rin ang iba’t ibang capacity-building trainings sa tulong ng SLP at mga katuwang mula sa lokal na pamahalaan ng Sulop upang paigtingin ang kaalaman at kasanayan ng mga miyembro sa larangan ng entrepreneurship, livelihood management, at organizational development.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng layunin ng DSWD-SLP na bigyan ng mas matatag na kabuhayan ang mga benepisyaryo sa kanayunan, at itaguyod ang pangmatagalang kaunlaran ng komunidad.