Bilang bahagi ng patuloy na pagtutok ng DSWD Field Office XI sa kalusugan at kapakanan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), nagsagawa ang Ahensya, sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), ng oryentasyon ukol sa i-Registro para sa mga miyembro ng City Advisory Council (CAC) ng Digos City, Davao del Sur noong Abril 24, 2025.

Layunin ng aktibidad na magbigay ng kaalaman at pinakabagong updates sa LGU Digos at iba’t ibang ahensya ng lungsod hinggil sa i-Registro.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Municipal Planning and Development Office (MPDO), City Environment and Natural Resources Office (CENRO), Public Employment Service Office (PESO), at Department of Education (DepEd).

Sa kasalukuyan, umabot na sa 521 transaksyon ang naitala sa i-Registro, na patunay ng aktibong partisipasyon ng mga benepisyaryo sa rehiyon.

Ang i-Registro at F1KD sa 4Ps ay isang digital at self-service platform para lamang sa mga 4Ps beneficiaries. Mayroon itong web portal na nagbibigay-daan sa mga buntis at may anak na 0–2 taong gulang na 4Ps household-beneficiaries na i-update ang kanilang impormasyon.

Ito ay isang makabago at alternatibong paraan upang mapabilis ang pag-update ng datos sa Pantawid Pamilya Information System (PPIS), na mahalaga sa maayos na pagpapatupad ng First 1,000 Days (F1KD) conditional cash grant.

Patuloy ang panawagan ng DSWD XI sa lahat ng 4Ps beneficiaries na gamitin ang i-Registro upang i-update ang kanilang impormasyon.

Maaaring ma-access ang i-Registro sa link na makikita sa comment section.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#DSWDsaOnse