Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ang pormal na pagbubukas ng general merchandise project ng Bongbong Farmers SLP Association (SLPA) mula sa Barangay Bongbong, Pantukan, Davao De Oro noong Abril 23, 2025.

Ang nasabing asosasyon, na binubuo ng 30 miyembro, ay nakatanggap ng halagang Php450,000.00 bilang panimulang kapital para sa kanilang napiling proyektong pangkabuhayan. 

Bago pa man ipinalabas ang pondo, dumaan muna ang mga miyembro ng SLPA sa sunod-sunod na mga capacity-building activities upang matiyak ang kanilang kahandaan at kakayahan sa pamamahala at pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

Bahagi ito ng patuloy na misyon ng SLP na itaguyod ang mga programang pangkabuhayan na nagbibigay kapangyarihan sa mga marhinalisado at ekonomikal na nasa laylayan ng lipunan.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Pantukan at aktibong partisipasyon ng mga benepisyaryo, umaasa ang DSWD XI na magpapatuloy ang tagumpay ng Bongbong Farmers SLPA, at nawa’y magsilbi itong inspirasyon at modelo para sa iba pang mga grupo sa rehiyon.