Ang Talisay Movers SLP Association ay isang samahan na matatagpuan sa Barangay Balangonan, Jose Abad Santos, Davao Occidental. Binubuo ito ng 28 kababaihan na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at ang kanilang layunin ay makapagtaguyod ng isang General Merchandise Store upang mapabuti ang kanilang kabuhayan.
Noong Agosto 5, 2019, natanggap nila ang grant na nagkakahalaga ng Php 200,000.00 mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP). Kaagad nilang pinili ang general merchandise store bilang proyekto, dahil sa angkop na pangangailangan sa kanilang barangay at lokasyon. Dahil dito, nagkaroon sila ng pagkakataon na matutunan ang tamang pagnenegosyo at pamamahala sa kanilang pinili nilang negosyo.
Ang grupo ng mga kababaihan, na nagsimula sa pagiging miyembro ng asosasyon, ay nagsagawa ng orientation at mga pagsasanay upang matutunan ang mga kinakailangang hakbang sa pagtatayo at pamamahala ng kanilang proyekto. Mula sa mga seminar sa pagtanggap ng negosyo, financial management, at pagtatag ng asosasyon, nagkaroon sila ng sapat na kaalaman upang simulan ang kanilang tindahan.
Sa pagbuo ng kanilang tindahan, pumunta sila sa pinakamalapit na siyudad, ang General Santos City upang makabili ng mga panindang kailangan para sa kanilang negosyo. Noong Agosto 19, 2019, pormal nilang binuksan ang kanilang Talisay Movers Store at nagsimula nang mag-operate.
Sa kanilang mga unang linggo ng operasyon, nahirapan sila sa ilang aspeto, ngunit dahil sa kooperasyon ng bawat isa, nahanap nila ang tamang sistema para mapanatili ang tindahan. Ang mga resibo sa bawat transaksyon ay naayos at ipinasa sa kanilang PDO upang isagawa ang tamang liquidation ng pondo.
Dahil sa pagkakaisa at kooperasyon ng mga miyembro, nagpatuloy ang pag-unlad ng tindahan. Kahit na may mga pagsubok tulad ng pagbaba ng kita tuwing hindi maganda ang panahon o kapag mahina ang huling huli ng mga isda ng mangingisda sa kanilang komunidad, patuloy silang nagsusumikap upang mapanatili ang negosyo.
Ngayong taon, disyembre, ibinabahagi nila ang netong kita nila na umaabot ng Php 2,500 kada linggo sa pamamagitan ng mga grocery items at bigas. Nais din nilang lumago pa ang kanilang negosyo, kaya’t naglunsad sila ng isang emergency fund na may interes na 5% upang matulungan ang bawat isa sa oras ng pangangailangan.
Ang Talisay Movers SLP Association ay naging simbolo ng tagumpay at inspirasyon sa kanilang komunidad. Ayon sa kanilang mga miyembro, ang pagkakaroon ng malasakit at pagtutulungan sa bawat isa ay naging susi sa kanilang tagumpay. Sa tulong ng SLP, naabot nila ang kanilang mga pangarap at patuloy na naglilingkod sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng negosyo at pagkakaroon ng mga oportunidad para sa iba pang miyembro.
Sa ngayon, ang Talisay Movers SLP Association ay patuloy na nagsisilbing modelo sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng kanilang pagkakaisa, pagsusumikap, at ang tamang paggamit ng mga resources na natutunan nila mula sa SLP.