“I am genuinely happy to see that all the efforts, hardships, and sacrifices have finally paid off. What’s even more rewarding is witnessing people congratulating my parents and seeing how proud they are of me. Their pride and joy are the most fulfilling achievements I could ask for. Now, my focus shifts to securing a stable job, and I’m hopeful this year will bring me that opportunity.” – JELLIANE H. CALIPES, LET 2024 May Results Top 6 Passer for Secondary Education

Kung pagsubok lang rin ang pag-uusapan, hindi basta-basta ang pinagdaanan ni Jelliane at ng kanyang pamilya, lalo pa noong bago pa sila nakapasok sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Mula sa Brgy. Lower Bala, Magsaysay, Davao del Sur, pagsasaka ang naging pangunahing hanapbuhay ng mga magulang ni Jelliane na sina Tatay Allan at Nanay Gina. Ang kita ng amula rito ay hindi sapat sa pang-araw-araw lalo na sa pagkain ng limang magkakapatid, kung saan pangalawa si Jelliane. Kaya, dahil isa rin siya sa mga panganay, ang ala-ala ng kanilang kahirapan noon ay ‘tila napakalinaw pa sa kanyang isipan.

“Sobrang hirap ng pamumuhay naming noon. Bata pa kami, mulat na kami sa sobrang kahirapan. May mga panahon talaga na isang beses sa isang araw lang kami kumakain ng kanin at ulam. Para yun sa agahan, sa tanghalian naman at haponan ay saging lang o di kaya ay kamoteng kahoy. At dahil ‘di pa rin sasapat, minsan yung ‘tiktik’ na lang ang kinakain naming,” ang kwento niya.

Sa kakulangan nga ng kita, minsan na rin na sinasadya na lang rin na ang limang bata ay pinapapapunta ng kanilang mga magulang sa kanilang mga kamag-anak para lang makakain ng maayos. Nababaon rin sila sa utang para lang makahiram ng bigas sa tindahan man o kapitbahay. At ang ala-alang ito ay kung babalikan ay nagpapaiyak nga sa kanilang magpamilya.

“Ang malala nga sa pagiging gutom sa pag-aaral namin ay ‘yung nadisgrasya ang kanang mata ko nung Grade 1 matapos ito matamaan ng tip ng isang karton. Sa simula, dahil nga sa sobrang hirap naming ay hindi ito napatingnan sa doctor. Ngunit dahil nga lumalala ang paningin ng mata ko, sa pagtongtong ko ng high school, naaawa nga aking guro ay siya na nagpatingin sa akin, at doon nga ay lumabas na corneal laceration at traumatic cataract ang kondisyon ng aking kanang mata. At dahil hindi siya maagang napatingnan at nagamot, hindi na ito kayang iligtas pa sa pagkabulag. Kaya sa aking pag-aaral mula elementarya hanggang ngayon isa talaga akong one-eyed learner,” ang salaysay ni Jelliane.

Hindi naging hadlang sa pagsisikap ni Jelliane ang naturang kapansanan, bagkus ay nagsikap pa siyang lalo sa pag-aaral at nakakuha pa ng iba’t ibang scholarship mula sa LGU at sa mga eskwelahan na napasukan. At di lang pag-aaral ang kanyang ginawa, tumulong rin siya sa kanyang mga magulang upang kahit papano ay matustusan niya ang kanyang pangangailangan.

“Noon dahil wala kaming baong pang-recess, ako mismo dumidiskarte sa “hagdaw,” namumulot kami ng tira-tirang palay pagkatapos ng ani. Nakatulong yun sa amin. Kapag bakasyon naman tinutulungan ko si nanay sa pagtitinda ng prutas lalo na dahil buntis rin siya nun sa bunso namin,” aniya.

Positibo ang pananaw ng magpamilyang Calipes sa likod ng mga pagsubok sa buhay nila. At dahan-dahan naming gumaan ang lahat ng ito nang sila ay naging benepisyaryo sila sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa taong 2012. Grade 7 si Jelliane sa panahong ito. Naaalala niya na sobrang saya nila tuwing may release ng cash grants mula sa 4Ps. Nakakain sila ng masarap na ulam at nagkakaroon siya ng baon na bente (20) pesos.

“Maliban dun sa cash grants, naalala ko nabigyang oportunidad si nanay sa isang livelihood training tulad na lang ng paggawa ng candy. Nabigyan siya ng materyales at ingredients para makapagsimula ng livelihood. Laking dagdag tulong nito sa amin. Kaya ako binibenta ko rin ang naturang candies sa eskwela. Sobrang daming tulong ang naibigay ng 4Ps, kaya naman naging kaagapay naming ito sa pag-aaral,” dagdag na kwento ni Jelliane.

Motibasyon ni Jelliane ang kahirapan at ang kanyang pamilya sa lahat ng kanyang pagsisikap at pagpupursige. Dahil nga Nakita rin niya ang naging sakripisyo at mahigpit na suporta ng kanyang mga magulang para lang maigapang ang kanyang pag-aaral.

“Halimbawa sa mga mahigpit nilang suporta at pagsisikap, noon dahil wala naman akong sapatos at uniporme (bago ang 4Ps), nanghihiram pa kung kani-kanino sa kapitbahay si nanay, lalo na kapag mga mga contest para lang may maisuot ako. Buong elementarya, kada-contest nanghihiram talaga kami. Kaya naman kapag nanalo ako, may papremyong pera naitutulong ko sa bahay. Sumali ako noon ng MTAP mula Grade 2, sumasali talaga ako kasi may bayad,” dagdag na kwento niya.

Mataas ang pangarap ni Jelliane kaya kahit anong hirap o pagod, ‘di siya natitibag o nawawalan ng pag-asa. Sa tuwing naaalala pa niya kung gaano kahirap ang kanilang sitwasyon mula noong una. Gusto rin niyang makatulong sa kanyang mga kapatid na hindi na nila maranasan ang mahirap niyang pinagdaanan habang nag-aaral pa. Kaya naman sa lahat ng kanyang pagsisikap, unti-unti na rin niyang nakakamit ang bunga nito.

“When I graduated as valedictorian in high school and passed the scholarship examination of the Department of Science and Technology (DOST), I decided to enroll in the University of Southeastern Philippines in Davao albeit its distance from my hometown. Dito kahit napapaligiran ako ng mga honor students at top highschool performers, I’ve had a burning ambition na maging batch valedictorian simula pa lang sa unang araw sa college, kasi gusto ko maikwento ang kwento ko sa lahat, at gawing proud ang ang aking mga magulang para makabawi naman sa kanila,” sabi ni Jelliane.

Bawat semester, nakatuon si Jelliane sa pagiging topnotcher sa klase, nagbabasa at gumagawa ng assignments ng masigasig. Kahit nan ga ay sinubok rin sila ng pandemia at ang naging malalakas na lindol sa kanyang bayan, nagpatuloy siya sa pagsisikap sa pag-aaral, kahit na nga may panahong tent lang ang naging bahay nila noong panahon ng disaster.

“I became the Batch Valedictorian and graduated as Magna Cum Laude. Kahit na may sakit ang tatay at ‘di kayang pumunta ni Nanay dito sa Davao, ramdam ng buong pamilya ang tagumpay na ito. At dahil sa pangangailangan naming, nagtrabaho rin ako agad, ‘di rin ako nakapag-take agad ng board exam noong nagdaang taon. At upang makaipon nga at matustusan ang preparasyon ko ay nagtrabaho ako sa call center. Tinulungan pa rin ako ng aking mga magulang dahil patuloy pa rin sila sa sakahan. Ngayon nga ay pumasa na ako sa LET at naging Top 6,” buong pusong kwento ni Jelliane.

“NEVER STOP DREAMING. Adversity may mold our circumstances, but it should not define our aspirations. Poverty should never limit you from dreaming big. Let it ignite your determination to succeed. Even in the face of the most difficult obstacles in life, NEVER LOSE HOPE. Embrace your fears, confront your challenges head-on, and never lose sight of the hope that fuels your journey. Success isn’t a one-shot game where a lucky throw lands you the win. Only those who keep moving forward, endure, and persevere eventually arrive at their target destination,” ito ang naging mensahe niya sa kapwa benepisyaryong nagsisikap rin sa pag-aaral at sa lahat ng Kabataang patuloy sap ag-abot ng kanilang mga pangarap.

Sa gitna ng mga pagsubok at kahirapan, tiningnan ni Jelliane at ng kanyang pamilya na isang lifeline at nagbibigay pag-asa ang pagdating ng 4Ps sa kanilang buhay. Hindi lang guminhawa ang kanilang sitwasyon kundi naging daan ang programa sa marami pang oportunidad at posibilidad para sa kanyang pamilya. Kaya naman nagpapasalamat si Jelleane at ang Pamilya Calipes sa DSWD at sa 4Ps.

“I am profoundly thankful to DSWD for including us as beneficiaries of the 4Ps. I am confident that numerous families in similar situations are equally appreciative of the support provided by the 4Ps grants. Your initiative has not only helped us realize our dreams but has also played a significant role in our journey towards achieving our goals. May your persist as a catalyst for positive change and continue to transform lives for the better. Your dedication to uplifting those in need is truly commendable and serves as an inspiration to us all,” mensahe ni Jelliane sa DSWD at 4Ps.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD