Sinundo ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI at San Isidro, Davao Oriental LGU ang isang pamilya mula Metro Manila sa pamamagitan ng Oplan Pag-abot sa Davao International Airport noong Biyernes, Hunyo 16, 2023.

Umuwi ng Davao si Michael Lomotos kasama ang kanyang misis at tatlong supling dahil sa kawalan ng maayos na matitirahan at hanapbuhay.

Namigay ng paunang tulong ang DSWD Field Office XI sa pamamagitan ng pagbigay ng food assistance na nagkakahalaga ng 5,000 PHP mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS.

Inihatid sa kanilang lugar sa San Isidro, Davao Oriental ang nasabing pamilya sa tulong ng San Isidro LGU. Irerekomenda rin ang pamilya na mabigyan pa ng karagdagang tulong mula sa DSWD sa ilalim ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa, kung saan makakatanggap sila ng karagdagang ayuda para makapagsimula ulit sa kanilang inuwiang lugar. ###