Posted: June 6, 2023
SIBOL STORY | Hindi naging madali ang buhay para kay Emelyn S. Abejar, miyembro ng Mandaya Tribe mula sa Barangay Campawan, Baganga, Davao Oriental. Bata pa lamang siya ay namulat at kinalakihan na ang hirap at pagod para sa kaunting kita sa pagsasaka, hanggang sa siya ay nakapag-asawa rin ng isang magsasaka. Sa paglipas ng panahon ay mas kinakailangan nilang kumayod upang may maipangtustos sa tatlo niyang anak na nag-aaral.
“Lisod kaayo among kinabuhi sauna kay wala jud mi’y lain nga masaligan kundi ang pag-uma lamang, kay mao nani among namathan nga panginabuhian sukad pa sa among pagkabata” [Napakahirap ng buhay namin noon dahil wala kaming ibang alam na hanapbuhay kundi ang pagsasaka, ito na kasi ang kinalakihan naming hanapbuhay simula noong bata pa kami.] – saysay ni Emelyn
Sa gitna ng hirap ay hindi inaasahan ni Emelyn at ng mga miyembro ng CAMPRUWA EO70 SLP Association na tutulungan sila ng gobyerno. Sa tulong ng 67th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nabuo ang kanilang asosasyon na agad namang inindorso at tinugunan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI, sa ilalim ng implementasyon ng Executive Order No. 70. Ay nabigyan ng capacity building activities at trainings ang mga 30 na miyembro nito upang maihanda sila sa paghawak ng negosyo.
Kasabay ng capbuild trainings ay ang pagtukoy sa kung anong proyekto ang angkop sa kanilang komunidad, napagpasyahan nilang magtayo ng isang general merchandise o sari-sari store, upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa kanilang komunidad.
Noong Nobyembre 2021 ay natanggap ng CAMPRUWA EO70 SLPA ang kanilang seed capital na Php 300,000.00 upang masimulan ang kanilang proyektong tindahan. Sinigurado ni Emelyn, bilang siya ang napiling presidente ng asosasyon, na kompleto ang kanilang papeles at nasunod ang mga nakalagay sa kaning mungkahing proyekto.
Sa dalawang taong operasyon ng kanilang tindahan ay nabigyan din sila ng trainings at seminars mula sa Department of Trade and Industry (DTI). Saysay din ni Emelyn, malaki ang naging tulong ng programa sa pagpapaunlad ng kanyang kaalaman. Nakakatulong na rin siya sa kanyang pamilya, at malaking ginhawa din ang hatid ng kanilang tindahan sa kanilang komunidad.
“Bilang anak at nakapangasawa ng magsasaka, hindi naging madali ang paghahanapbuhay sa araw-araw. Sikat ng araw at ulan ang aming tinitiis para lang may maipangbili ng pagkain at mga pangangailangan sa araw-araw ng aming pamilya. Kaya malaki ang pasasalamat namin sa DSWD dahil hindi lang ito nakatulong sa aming pang-araw araw, ito rin ay naging susi upang magkaroon kami ng tiwala sa aming sarili. Dahil din sa programa ay napagtanto namin na kaya rin pala naming magpatakbo at mapaunlad and aming negosyo.” – Emelyn Abejar
Ang CAMPRUWA EO70 SLP Association ay isa lamang sa maraming asosasyon na natulungan ng SLP – EO70. Ang Barangay Campawan sa bayan ng Baganga ay isa sa mga napiling Conflict-Vulnerable Areas sa Rehiyon.
Ang Executive Order No.70, Series of 2018 o ang Institutionalizing the Whole-of-Nation Approach in Attaining Inclusive and Sustainable Peace, Creating a National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, and Directing the Adoption of a National Peace Framework ay nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-4 ng Disyembre 2018 na naglalayong gawing institusyonal ang “Whole-of-Nation” para wakasan ang local communist armed conflict sa bansa. Sa ilalim ng batas na ito, binibigyan din ang mga benepisyaryo ng EO 70 ng mga pangunahing serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Nilalayon nitong makuha ang partisipasyon ng lahat ng sektor para makamit ang “peace agenda” ng pamahalaan.