Posted: January 19, 2023

Sa nakalipas na taon, mahigit 32,381 indibidwal ang nabigyan ng livelihood assistance grant (LAG) ng Sustainable Livelihood Program (SLP) dito sa Davao Region. Ang LAG ay binibigay sa mga piling benepisyaryo na may mga negosyong naapektuhan ng mga umiiral na community quarantine sa bansa.

Umabot naman sa 3,713 benepisyaryo ang nabigyan ng livelihood grants sa implementasyon ng Executive Order No. 70 kung saan 71 SLP associations ang nabuo.

Habang nasa 93 SLP associations naman ang na-organisa sa ilalim ng implementasyon ng Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA. Ito ay binubuo ng mahigit kumulang sa 2,325 benepisyaryo.

Ang implementasyon naman ng programang Zero Hunger ay nakapagtala ng 24 SLP associations o 632 benepisyaryo at 68 benepisyaryo na nakatanggap ng livelihood settlement grants.

Layunin ng SLP na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga tulong na may kaugnayan sa serbisyo na pagpapalakas ng kakayahan, kasanayan, at karanasan ng mga kalahok tungo sa mas kapaki-pakinanbang na negosyo o trabaho.