
Kinilala ang 268 pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Breakthrough 2026 o Pugay Tagumpay Ceremony sa Talaingod noon Hulyo 30, 2026, matapos nilang makamit ang self-sufficient na antas ng kagalingan. Tampok sa aktibidad ang kanilang paglipat tungo sa mas matatag na pamumuhay, kasabay ng patuloy na pagtutulungan ng DSWD Field Office XI, Local Government Unit (LGU) ng Talaingod, at mga katuwang na ahensya.

Bilang bahagi ng exit strategy ng programa, pormal na itinurn-over sa LGU ng Talaingod ang 268 graduating households upang matiyak ang patuloy na pagbibigay ng after-care services at iba pang interbensyon para mapanatili ang kanilang antas ng kagalingan matapos ang 4Ps.
Nagbahagi rin ng taos-pusong pasasalamat si Adelina C. Bangilon, isang Ata Manobo at Parent Leader mula sa Talaingod, Davao del Norte, sa naging malaking ambag ng 4Ps sa pagbabago ng buhay ng kanilang pamilya. โDaghan kaayo koโg nakat-unan pinaagi sa 4Psโdili lang isip usa ka Parent Leader, kondili isip usa ka inahan. Nakat-on ko unsaon ang husto nga pagdumala sa kwarta ug ang mas maayong pag-amuma sa akong mga anak aron dili na nila masinati ang akong mga kalisdanan sa una. Tungod sa suporta sa 4Ps, ang akong kamagulangang anak nahimong pulis, ang ikaduha hapit na mahuman sa kolehiyo, ug ang akong kamanghuran karon nag-una na og first year college. Wala gyud koy igong pulong aron maipakita ang akong dakong pagpasalamat sa DSWD ug sa 4Ps sa ilang tabang sa among pamilya.โ

Pinangunahan ng LGU ng Talaingod, sa pamumuno ni Mayor Jonnie A. Libayao, ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa DSWD Field Office XI at iba pang partner agencies. Nakiisa rin ang Sangguniang Bayan, at ang Municipal Social Welfare and Development Office sa paghahanda ng mga pamilya para sa kanilang panibagong yugto.



Dumalo rin ang mga kinatawan ng DSWD Field Office XI, bilang pagpapakita ng patuloy na suporta ng ahensya sa mga graduating households. Nakiisa rin sa aktibidad ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang partner agencies at stakeholders bilang patunay ng patuloy na convergence ng mga serbisyo para sa kapakanan ng mga pamilya, lalo na ng mga Indigenous Peoples sa Talaingod.
Ang Breakthrough o Pugay Tagumpay Ceremony ay bahagi ng exit strategy ng 4Ps na kumikilala sa mga pamilyang nakamit ang mas mataas na antas ng kagalingan. Sa tulong ng DSWD, LGU, at mga katuwang na ahensya, patuloy na sinusuportahan ang mga pamilya upang mapanatili ang kanilang katatagan at pag-unlad kahit matapos ang programa.
